Thursday, July 1, 2010
Pag-asa sa umaasa
Tama ba ang umasa sa isang bagay na walang kasiguruhan? O hahayaan na lang natin lumapit ang pagkakataon para sa atin? Umasa, asa o pag-asa, salitang mapaglaro na may konplikadong kahulugan.
Simula ng nagkaisip tayo, tinatak na sa atin ng mga magulang ang salitang pag-asa. Sa una ay hindi pa natin alam ang kahulugan, ngunit habang tayo ay tumatanda, nauunawaan natin ito at lalong lumalalim ang kahulugan nito. Habang lumalalim ang kahulugan nito, dun naman tayo nalilito sa tunay na kahulugan nito. Ang pag-asa ang isang paraan kung saan pinapahaba ang ating paglalakbay at nakikita ang kaliwanagan at kaginhawaan matapos ng paghihirap. Isa yun sa pagpipilian natin, dahil ang alam natin sa dulo ng paglalakbay, positibo ang nakikita natin, pero paano kung negatibo? Pag-asa pa bang matatawag yun? Sa kabila ang paghihirap sa paglalakbay ay pasakit pa din ang matatamasa.
Bakit may mga taong nagsasabing "umaasa sa wala!"? "Nawala na ang pag-asa ko sa hinaharap". Napanganegatibo ng paggamit o pagbibigay ng kahulugan sa salitang PAGASA. Ramdam natin kung bakit nila nasasabi yun dahil napagdaanan ng bawat isa sa atin, nakakalungkot lang isipin na nakapakitid ng kanilang pang-unawa, marahil dahil sa sobrang haba ng paghihintay o sa hirap na dinadanas nila. Sobrang hirap at sobrang saklap sa kanila.
Pag-asa at umasa.
Nasubukan mo ang magmahal ng isang tao, tama? anong salita ang gagamitin mo sa itaas? Pag-asa? Umasa? o ang dalawa?
Natuto akong magmahal isang tao na nagbigay sakin pag-asa, walang takot na hinaharap dahil inaasahan ko na may kasama ako para pagdaanan yun. Hindi ako takot, hindi ako nag-iisa, Ngunit tulad sa buhay at telenovela, hindi din kami nagtagal, Nasaktan ako ng sobra na halos pati buhay ko ay walang saysay, Umasa lang ako sa wala. Tama ba? Marahil iba iba ang opinyon natin,
Ngunit isa lang ang nais ko ipahiwatig, Gamitin natin ang utak natin, at ang freewill. Tulad ng isang libro na makapal, gusto mong basahin, gusto mo unawain, gusto mo tapusin, Pero hindi mo ito magawa dahil kulang ang oras mo sa pagbabasa, boring ang nilalaman nito o iniisip mo hindi mo matatapos dahil sa makapal ito, Kagustuhan mo man o hindi basahin ang libro, matatapos mo sa kabila ng mga hadlang at may dahilan pati matapos o hindi ang libro. Matatapos mo.
May mga tao na umaasa na magkikita sila ng kanyang nagugustuhan balang araw, kahit malayo sila sa isat-isa. Isa lang ang umaasa, hindi ang dalawa. Pano na ang mangyayari sa taong umaasa samantalang ang isa ay nabubuhay na puno ng pag-asa sa buhay. Ano kaya ang mararamdaman na taong umaasa na ang kanyang nagugustuhan ay may iba na, Aasa pa ba siya? o titigil na? Pano kung talagang gustung-gusto niya ang taong ito ngunit wala siyang magawa dahil malayo ito. Ipagpapatuloy niya ba ang kahibangang ito o ititigil na? Pag-asang magkikita ulit sila at magkakatuluyan o pag-asang sana ginawa ko ang lahat ng makakaya ko nun nandito pa siya sa tabi ko?
Hindi masama ang umasa, umasa ka nang nang umaasa hanggat may pag-asa ka, pero minsan, wag lang puro emosyon ang gagamitin mo para sa iyong pag-asa, gamitin mo din ang utak mo. Huwag kang maging tanga sa kakahintay ng iyong pag-asang walang patutunguhan, Matuto man manimbang ng pagkakataon, paghahalaga sa sarili mo at sa taong pinahahalagahan mo. Pag-asa sa hinaharap mo o pag-asa sa ikaliligaya mo.
AAsa ka pa ba sa pag-asa mo? O ang pag-asa ang aasa sa mga gagawin mo?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment