, andito nanama
Ang uzzap! Para sa mga taong nagtitipid magchat. Tulad ng YM (yahoo messanger), AOL
Sa uzzap, may mga ibat ibang room na patok sa panlasa mo. Kung gusto mo makipag flirt, sa flirt room ka. Kung sawi ka sa pag-ibig at umaasa ka na magkakaroon ka ng karelasyon kahit pipi o bingi, sa pag-ibig room ka. Kung trip mo naman ang makipagchurvahan sa iba, sa churva room ka, kung naiihi ka o natatae, sa restroom ka.
Sa bawat room ang mga clan, (biruin mo, pati room ay clan). Iba na talaga ang mga adik sa chat, at isa ako sa mga adik na tinutukoy. 24hrs ako nakatitig sa cp ko, minsan sa sobrang kaadikan ko, pati pc ko nilagyan ko na ng uzzap, in case of emergency baga, pag lowbat cp ko, may back-up ako, sa pc.
Sobrang busy ako sa trabaho kaya kailangan ko minsan magrelax, one way is uzzap. Pagpasok ko, open uzzap, open the word document (pang front para hindi mahuli). Tatayo lang ako sa kinauupuan ko kapag di ko na talaga mapigilan o nagugutom na ako. pagdating ng hapon, check ng files, delete delete then punta sa recycle bin, restore ulit then balik sa uzzap. Kapag sinisipag ako, ikakalat ko ang mga cd at papel sa desk para magmukang busy, alam ko hindi lang ako gumagawa nito, kasi nakikita ko sa mga nakakasama ko, at for sure gawain mo to.
Masaya kapag nakipagchat ka sa uzzap, pero todo iyak ka pag nahuli ka ng boss mo, kaya wag kang magpapahuli. Practice makes perfect but i need cash.
Hindi naman masama ang makipagchat kung may mga bagay ka naman na natatapos, tulad kanina, pinagawa ako ng logo para sa clan namin, di naman masama kung gawan ko sila, nakagawa ako ng 2 logo withiin 30mins, kasama na ang pagcrop ko ng items para sa trabaho ko, sa pagchat at sa pag sscan ng mga documents na kailangan ng boss ko. Hindi naman sa pagmamayabang, mabilis ako gumawa lalo na pag designing kasi ayoko matambakan ng trabaho kinabukasan. Kaya hanggat maaari, kapag may "spare time" ako, ginagawa ko na in-advance ang mga nakapending, sabay makikipag-chat para hindi ako maumay sa ginagawa ko.
Nga pala, sinabi sakin ng isa sa mga kachat ko, ipost ko daw dito yun ginawa ko na logo, para makita nila, at the same time mabasa nila ang


I LIKE THE FIRST ONE!!!REMOVE THE COMMAS PLS???
ReplyDeletemagandaaaa...weh
ReplyDelete