(Except sa E-mail ko)
LINGGO noon. Nakatakda ang araw na 'yon para sa date namin
ng girlfiend kong si Maji. Pero tumawag s'ya sa 'kin at sinabing
cancel muna ang date dahil sasamahan niya daw ang kanyang tita sa
isang importanteng lakad. Sabi ko okay lang, naintindihan ko.
Subalit dahil wala akong magawa sa bahay at talagang bored ako
noon, ako na lang ang pumunta sa mall at nanood ng sine mag-isa.
Libang na libang ako sa paggagala sa mall, di ko alam na iyon na
pala ang katapusan ng mundo.
Pagpasok ko sa entrada ng sinehan, nagulat ako sa nakita sa may
snack bar. Si Maji! At may kasama siya--hindi ang kanyang tita--
kundi isang lalaki. Nakaakbay pa ito sa kanya. Shocked ako
pero ganunpaman, gusto kong ipaalam sa kanya na nandoon ako at
nahuli ko siya. Pero di man lamang s'ya nagulat nang makita ako.
Relaxed s'ya at nakangiti pang sinabi sa 'kin: "Tapos na ang lahat
sa atin." "Ha?" Di na 'ko nakapagsalita.
Gusto kong magalit sa kanya. Gusto kong sapakin ang lalaki. Gusto
kong umiyak.
Pero kinimkim ko ang lahat ng aking naramdaman at sinabing "Wala
akong magagawa...basta kung saan ka masaya.."
Tumalikod ako agad at pumasok sa loob ng sinehan. Doon ko binuhos
ang lahat ng pinigilan kong lumabas sa aking mga mata. Komedi ang
palabas at nagtatawanan ang mga tao sa paligid ko ngunit ako nama'y
abala sa pagdadrama sa aking kinauupuan. Natapos ang pelikula na di
ko naintindihan ang istorya. Wala ako sa sarili hanggang sa pag-uwi
ko sa boarding house.
Kinabukasan, nagdesisyon akong umuwi sa probinsiya namin upang
makalimot. Mataas ang araw noon at mainit ang
biyahe, pero wala pa ring tigil ang ulan at bagyo sa aking mga
mata. Mabigat pa sa aking mga bagahe ang dinadala ko sa aking
dibdib. Kahit na wala pa kaming isang taon ni Maji, masakit pa rin
sa 'kin ang nangyari dahil mahal ko talaga s'ya. Di pa man
nakakalabas ng Maynila ang bus na aking sinasakyan, bigla kong
naisip na bumaba. Wala nang silbi pang mabuhay kaya naisip kong
magpakamatay na lang.
Inakyat ko ang isang billboard ng GMA7 kung saan nakalarawan dito
ang final 14 ng Starstruck. Dream, believe, survive. "Kagaguhan!"
sabi ko. "Tingnan ko lang kung makaka-survive pa 'ko pag tumalon
ako mula rito...
maliban na lang kung may pipigil." Pero wala ngang pumigil. Dahil
walang nagmamalasakit.
Walang nagmamahal. Tumalon ako. " Aaaahhh...blag!"
Nabagok ang aking ulo sa gulong ng trak ng MMDA na sa mga oras
na 'yon
ay nagsasagawa ng wet flag scheme. Hindi naman ako namatay.
Wala lang akong maalala pagbangon ko. "Sino ako? Anong ginagawa ko
rito?"
tanong ko sa sarili ko. Nagka-amnesia ako.
Mula noon ay nagpalaboy-laboy ako sa lansangan. Sa ilalim ng
overpass ako natutulog at doo'y madalas na ka-jamming ko
ang mga taong-grasa at mga rugby boys. Namalimos ako sa daan,
papunas-punas ng mga sapatos ng pasahero ng jeep, o kaya'y
humihingi ng 'love offering' sa mga pasahero ng bus. Umasenso naman
ako hanggang sa makapagtinda na 'ko ng fishball, squidball, at kwek-
kwek.
Kung anu-anong trabaho ang pinasukan ko para lang may maipanlaman
sa kumukulo kong tiyan. Nagbenta rin ako ng mga
pirated na CD, VCD, at DVD. Pero di pa rin sapat ang kinikita ko
sa pagbebenta ng mga produkto kaya ibenenta ko na rin pati ang
aking sariling laman.
Nagpagamit ako sa kung sinu-sinong bakla at mga matrona. Kumita
ako ng malaki. Subalit sadyang malupit sa akin ang tadhana dahil sa
isang iglap ay nawala lahat ng aking pinaghirapan.
Nadukot ang wallet ko nang makipagsiksikan ako sa libing ni FPJ.
Nalungkot akong lubha at nawalan ng pag-asang makabangon pang muli.
Nang biglang tumunog ang cellphone ko. May nag-text. Sabi sa
message, ang Oracle daw ang tanging makapagbabalik sa aking alaala.
Nag-reply ako: hu u?
Pero di na s'ya nag-text back. Di ko alam kung saan ko hahanapin
si Oracle.
Nilibot ko ang kamaynilaan. Ipina-blotter sa pulis. Ngunit kahit
anino ni Oracle
o ni Madam Auring ay di ko nakita.
Naisip kong baka wala s'ya sa siyudad kaya pumunta ako sa mga
probinsiya. Nakarating ako sa kabundukan ng Quezon Province pero
mga illegal loggers lang ang nadatnan ko. Nilisan ko ang lugar
na 'yon at sa pagbaba ko ng bundok, nasalubong ko ang
mga nagtatakbuhang... hobbits! -- sina Frodo, Samwise, Merry,
Pippin, at si... Dagul yata ang pangalan ng isa. Hinahabol daw
sila, hindi ng mga ringwraiths kundi mga.. battle droids ng
Starwars! "Huh?! Ano 'to?!! Nasa'n ba ako?!!!" Sa sobrang lito ay
nakitakbo na rin ako. Napakaraming kalaban. Libo-libong droids.
Kakampi pa yata nila ang mga robot sa I, Robot.
Mabuti na lang at dumating ang mga astig na superheroes: sina
Superman, Batman, Spiderman, Daredevil, Blade, Van Helsing,
Elektra, X-Men, Charlie's Angels, Powerpuff Girls, the Incredibles,
Voltes V, Mulawin, Capt. Barbell, Darna, Volta, Krystala,
Lastikman, Panday, Andres Bonifacio...marami pang iba.
Madaling natalo ang mga kalaban. Subalit... sugatan si Frodo. May
tama siya. At may iniabot siya sa akin --isang singsing! May elvish
inscriptions dito na sa tingin ko'y hindi kayang i-decode kahit ni
Dan Brown. Pero bago pa man malagutan ng
hininga si Frodo, nasabi niya sa akin ang kahulugan ng
nakasulat: "God will never leave you empty. He will replace
everything you lost. If He asks you to put something down, it's
because He wants you to pick up something better and best for you."
Inilagay ko ang singsing sa bulsa ng aking pantalon at nangakong
iingatan ko iyon.
Samantala, nagdiwang ang mga superheroes sa pagtatagumpay.
Gumimik sila sa Libis at nag-inuman. Sasama sana ako pero sabi ko
kailangan kong umuwi ng bahay dahil ending na ng Lovers in
Paris.
Pero naalala ko na may amnesia pala ako at di ko alam kung saan
ako nakatira kaya sumama na rin ako. Habang nagdi-disco ang Justice
League kasama ang Marvel superheroes, nagtugtugan at
nagkantahan naman ang mga anime' heroes. Panalo sa Japan!
May ledge dancing pa sina Wonder Woman, Catwoman, Black Mamba, at
Sailor Moon!
Pero di rin kami nagtagal sa lugar na 'yon. May nagyaya kasi na
pumunta sa Baywalk dahil may show daw doon ang The Bodies.
Ang saya-saya! Idagdag mo na lang si Kuya Germs, kahit wala nang
tulugan!
Subalit naudlot ang kasayahang iyon nang biglang lumindol... at
mula sa Manila Bay ay dumating ang isang dambuhalang... TSUNAMI!!!
Swooossshhh!!! Naitaboy ang mga superheroes. Hindi nakayanan ng
kanilang powers na pigilin ang dumating na sakuna. Mabilis na
bumaha ang paligid at nalunod kaming lahat. Oo, pati
sina Aquaman, Marina, at Nemo. Patay kaming lahat. Dumilim ang
kapaligiran. Katahimikan.
"Gising! Gising!" Isang tinig ng lalaki ang narinig ko. Pagdilat
ko, nakita ko ang isang lalaki. "May tiket na po ba kayo? Sa'n po
kayo bababa?"
"Huh?!" nagulat ako. Kunduktor pala iyon ng bus. Panaginip lang
pala ang lahat! Nasa bus pa pala ako at pauwi ng probinsiya. "Sa
Tarlac po," sabi ko sa kanya pero ang mga mata ko'y nakatitig sa
kanyang t-shirt na may nakasulat na "the Oracle". Parang narinig ko
pa si Morpheus na bumubulong: "Welcome to the real world..."
Buhay pa ako. May pamilya at mga kaibigang nagmamahal sa akin.
May tirahang nauuwian, may magandang hanapbuhay, at... virgin
pa 'ko!
Habang nasa biyahe, naisip ko, napakababaw na dahilan pala ang
iwan ka ng boyfriend o girlfriend mo para magpakamatay ka. I have
to stand up and move on. Lalaki ako at di dapat ako maging mahina.
Di dapat ako maging tanga para sa isang gaga at walang kwentang
babae. Naisip ko rin na mabuti na rin ang nangyari at
nakilala ko nang maaga ang tunay niyang kulay bago pa man humaba
ang relasyon namin. Hindi siya ang karapat-dapat sa akin.
Nasa gate na'ko ng aming bahay nang may tumawag sa aking pangalan.
Si Rizi, kababata ko, kapitbahay namin. Sabi niya
umalis daw ang lahat ng tao sa bahay namin at iniwan sa kanya ang
susi. Nang abutin ko ang susi sa kanya, doon ko lang s'ya nakaharap
nang malapitan at doon ko rin lang napansin na
maganda pala siya. Matapos akong magpasalamat ay sinuklian
n'ya 'ko ng isang matamis na ngiti.
(Cue: new Coca-cola theme song)
Pagpasok sa bahay, diretso agad ako sa banyo upang
makapaghilamos. Maginaw sa loob ng banyo at malamig ang tubig. Pero
may naramdaman akong mainit na bagay sa bulsa ng aking pantalon.
Dinukot ko ito at nakita ko ang isang...
singsing.
THE END
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
DAMI TAWA NABABALIE NA AKO DITO SA SHOP!!! ANG WAFU PA NAMAN NG MGA ANAK NA MAY-ARI KASAMA KO!!!!
ReplyDeletehaha..d best ka talaga sa pagpatawa mhilokoh..=)
ReplyDeletehala pasaway
ReplyDelete