Friday, June 18, 2010

Malalang Alaala



Sabado.Alas siyete ng umaga. Ugali na ni Patrick na gumising ng ganitong oras. Kahit na walang pasok ngayon araw. Pagkatapos niya gawin ang mga dapat ginagawa sa umaga, agad siyang umalis. Maganda ang sikat ng araw. Makikita ang maamong mukha nito sa liwanag. Nagpatuloy siya sa paglalakad patungo sa lagi niya pinupuntahan. Naroon si Lhea, masayang nakangiti sa kanya.

"Babe, Kamusta ang gising mo?" Malambing na bati niya sa kanya,

ngunit wala siyang narinig na tugon sa kanya. Naupo sila sandali sa isang lugar na paborito nilang upuan. Ang lugar na iyon ay punung-puno ng malalago at mapupulang rosas. Nakaukit doon ang kanilang mga pangalan sa isang puno tanda ng kanilang tagpuan at pagmamahal. Ilang sandali din sila walang kibo sa isa't isa. Binasag ni Lhea ang katahimikan.

"Did you miss me?, kasi ako miss kita sobra" Sumagot ang mga mata ni Patrick sa kanya.

Luha lamang ang sinagot niya dito sabay tayo sa kinauupuan. Nabigla si Lhea sa nakita reaksyon nito sa kanya. Nababasa niya sa mga mata nito ang kalungkutan. Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa marating nila ang kanilang dating Campus kung saan nakatapos sila ng pag-aaral.Nabibibago si Lhea dahil sa tuwing naglalakad sila, magkahawak ang mga kamay nila. Ganyan sila maglambing sa isa't-isa,kahit sa paglalakad. Mula sa malayo, napansin na siya ng guwardiya na kasalukuyan naka-duty doon. Kilala na si Patrick dun kaya hindi na sinisita nito. Muli, naupo sila sa isang upuan malapit sa malaking puno, ito rin ang punong pinipinta ni Patrick noong mga panahon na nag-aaral pa. Nanaig na naman ang katahimikan sa kanila.

"Mamimiss ko na din tong campus natin, Matagal na din na hindi tayo nagpupunta dito. Musta na kaya sila?" Siya na naman ang bumasag ng katahimikan.

"Namimiss na kita!"tugon ni Patrick ang katahimikan niya.

Kilala nila ang isa't isa. Simula ulo hanggang paa, mga ugali nito, ang mga ayaw at gusto ng isa't-isa. Bihira lang magsalita si Patrick, 'once in the blue moon' kung tawagin. Nananatili sa isip ang sinabi ni Lhea noon sa kanya, "Silent water runs deep, empty can makes loud noises'. Dun niya lang naisip ang nais nitong ipahiwatig nito sa kanya.

"Nandito naman ako sa tabi mo ngayon ha, bakit mo ba naman ako namimiss?"

Likas na kanya ang pagiging malambing ngunit iba ang pagiging malambing nito sa kanya.

"Kung alam mo lang ang pinagdadaanan ko ngayon, Lhea!"Patuloy ni Patrick sa pagsasalita kasabay ng pag-ihip ng malakas na hangin na wari may binubulong sa mga tainga nila.

"Ang drama mo! Wala akong pera ngayon" Pabiro niya sa madamdam na sinabi kay Patrick.

Tinitigan niya ito at bakas ang pagiging seryoso ng usapan. Nang dahil sa lakas ng hangin,natatago ng mga buhok ang maamo ngunit seryosong mukha ni Patrick.

"Ano ba naman kadramahan 'to, tigilan mo na nga yan, ang aga-aga". Nababahala si Lhea sa mga oras ng iyon, wari may hindi tama sa araw na iyon.

"Patrick! Patrick!", isang boses ang narinig nila sa malayo.

Si Jester, ang pinakamatalik na kaibigan ni Patrick. Tulad ng kinaugalian nila pag nagkikita, nagsasalubong ang kanilang kamao tanda ng pagbati at respeto sa isa't isa.

"Musta ka Jester? Ang taba mo na ngayon" Paunang bati nito sa kaibigan.

"Okey lang ako." sabay tingin sa kaibigan na parang may iniisip ng mga sandaling yun.

"Pre, i know it's hard time, pero i know you can make it." sabay patong ng kamay nito sa balikat ni Henry. Kahit hindi alam ni Lhea ang pinag-uusapan ng magkaibigan, mas minabuti niyang huwag muna magsalita dahil seryoso ata ang pinag-uusapan. Muli ang katahimikan ang nanaig sa kanilang tatlo. Isa. Dalawa. Tatlo. Parang panahon ng pagmumuni-muni sa kanilang tatlo. Mahaba haba na din ang oras ang ginugol nila sa lugar na iyon.

"Alis na ako, may pupuntahan pa ako, ingat ka Tol" ito ang huling kataga na narinig nila habang paalis na si Jester sa kanila.
____________________________________________________
Pagkatapos ng walang humpay ng katahimikan, naglakad na naman sila.Lakad.Lakad. Hindi alam ni Lhea kung saan siya dadalhin ni Patrick. Nagtungo sila sa ikalawang palapag ng kanilang campus. Napangiti si Lhea sa nakita, dito ang dati nilang palapag kung saan sila nagkakilala.Malaki na din pinagbago ng palapag na yon. Ang dating magulo at maduming hallway, ngayon ay malinis at bagong pintura.Madaming nagbago, simula sa mga kwarto na wari opisina, may aircon na gumagana hindi tulad ng dati na hindi nagpapalamig ng lugar. Pinasok nila ang isang kwarto. Malaki na din ang pinagbago nito. Napangiti silang dalawa na parang mga bata sa mga nakita. Lahat ay mga bago, maliban sa mga alaala nila na tanging sila lang ang nakakaalam. Muli, naupo si Patrick sa upuan, samantalang paikot ikot lang si Lhea dun na parang isang Supervisor ng araw na yon.

"Naalala mo ba dito tayo unang nagkakilala, halos lahat dito nagsimula, diba? Kuya pa nga tawag ko sayo." Napangiti na lang si Patrick habang nakatingin sa kawalan.

"Hindi ko din naisip na magiging tayo. Isang Senior at isang sophmore sa iisang department. Siguro nakatadhana tayo para sa isa't-isa."Malumanay na kwento ni Lhea.

Si Lhea ay heartthrob sa Campus nila dati, si Patrick, isang simple estudyante pero malakas ang dating sa pagiging misteryoso nito.Malamig ang kwartong iyon dahil sa aircon, kahit walang klase. Pinuntahan ni Lhea ang isang lugar kung saan siya nakapwesto noong nag-aaral pa siya dito.Lumabas si Patrick sandali at tumambay sa corridor. Hindi ito napansin ni Lhea na kasalukuyan nagmumuni-muni sa nakaraan nito, mga magagandang nakaraan niya at ni Patrick.
______________________________________________________
Ang liwanag ng sikat ng araw ang nagpapaganda sa isang "Arts Venue" ng sa baba, luntian at wari nasa langit ang pakiramdam ni Patrick ng mga sandaling yun. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang mga halaman sumasayaw sa lakas ng hangin. Ang mga ibon na malayang lumilipad sa himpapawid, ang kalmadong langit na nagpapaganda ng mga senaryo ng buhay. Mga panahon na masaya silang naglalakad sa baba, silang dalawa lang. Nakatambay sa isang malaking puno na tanging ingay ng kalikasan at mga boses nila ang maririnig dun. Sa gate, isang tindahan ang matatanaw dito. Simple ang tindahan ngunit tulad ng nakikita niya ng nauna, punung-puno ito ng mga paninda, sari-sari ang nakasabit dito, sari-sari din ang alaalang bumabalik sa kanya ng mga oras na iyon, naghahalo ang saya at lungkot na sa kanyang isipan.Mga alaala nila ni Lhea. Sa isang iglap nabago ang lahat...
_____________________________________________________
Palabas ng kwarto si Lhea samantala saktong tumingin si Patrick sa relo at nagsabi

"Oras na!" sabay alis.

Hindi alam ni Lhea kung saan na naman siya dadalhin nito. Punung-puno talaga ng sorpresa si Patrick, kaya sumunod na lang siya dito. Mahaba ang kanilang byahe, muli sa isang mahabang byahe, mahabang kahimikan ang nananaig sa kanila. Parang walang katapusan ang kanilang paglalakbay. Naiinip na si Lhea sa byahe at sa katahimikan, hindi na niya alam ang gagawin, mababaliw na siya.

"San ba tayo pupunta?" tanong ni Lhea kay Patrick

--------------------------------------------------------------------------------------------
Sa bawat minutong lumilipas sa kanilang byahe, tanging ang mga magagandang alaala ang tumatakbo sa isip ni Patrick. Mga panahon na tanging ang masayang tawanan at kwentuhan ang humahalay sa katahimikan. Wari walang katapusan ang pinatutunguhan nila. Matapos ng mahabang paglalakbay, bumaba sila sa sasakyan ni Patrick na walang imikan. Nakasunod lang si Lhea ng mga oras na iyon.Tulad ng nauna, hindi sila magkahawak ng kamay. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng kanyang kasintahan, dahil sa ugali nito na walang imik at malihim. Sa gitna ng kanilang paglalakad, tanging ang mga damong bermuda ang kanilang inaapakan,

"Nasa langit na ba ako", tanong niya sa sarili.

Tahimik ang lugar, bughaw ang kalangitan at sariwa ang hangin. Sa malayo natanaw ang mga tao...ang mga magulang ni Lhea.

"Ano ginagawa nila dito ha? Bakit sila nandito?", tanong niya sa kay Patrick na kasalukuyang nagpapatuloy sa paglalakad.

Baka pagkakataon lamang ang pagtatagpo nila doon sa iisang lugar.

"Musta na po?" bati ni Patrick sa magulang ni Lhea.

Ngiti lamang ang sinagot nito sa kanya. Hindi maintindihan ni Lhea ang mga pangyayari sa nakikita. Mga kakaibang kilos na kanyang nakikita. Sana likod lamang siya ng kanyang kasintahan, parang hindi siya nakikita ng mga magulang nito.

"Matagal na din ang lumipas na hindi ako dumadalaw dito. Ilan taon na din ang lumipas. Kung hindi sa akin, hindi mangyayari sa kanya yun." pagsisisi at hinagpis ang makikita sa mga mata ni Patrick habang nakatingin sa isang bato na may nakaukit na pangalan.

"Huwag mong sisihin ang iyong sarili sa nangyari." Sagot ni Emman, ang ama ni Lhea.

"Kung napaaga lang ako ng punta sa tagpuan namin, dapat kasama ko pa siya ngayon. "
__________________________________________________
Ika labing-apat ng pebrero ng nakaraan taon, may usapan sila ng mga oras na yun, isang romantic date at selebrasyon nila ng ikalawang taon ng kanilang pag-iibigan, gabi at tanging ang buwan ang lumiliwanag sa kadiliman. Ugali ni Lhea na mauna sa kanilang tagpuan, pagpaalam naman si Patrick sa kanya na mahuhuli ito sa kanilang pagkikita. Ngunit may hindi inaasahan. Naholdap at pinatay siya ng hindi kilalang kalalakihan. Nag-iisa lamang si Lhea sa kanilang tagpuan kaya siya napag-interesan ng mga ito. Nang nakarating si Patrick sa tagpuan, nakita niya na lang si Lhea na naliligo sa kanyang sariling dugo. Sa mata din nito tumutulo ang mga luha nito. Labis ang paghihinagpis ni Patrick ng mga oras na iyon. Nalaglag ang kanyang dalang rosas para sa kanya, kakulay ng dugong pumapalibot sa katawan ng kasintahan. Tanging malakas na iyak ang maririnig kasabay ng pag-ubos ng malakas na ulan, hindi mapapansin ang luha sa mga mata nito. Wala siyang magawa kundi yakapin ng mahigpit ang kasintahan, umiyak at sumigaw ng "bakit!". Halos parang mabaliw na siya sa nangyari kay Lhea, lahat ay lumipas na.
___________________________________________________
"Patrick, alam namin na mahal na mahal mo siya, for sure kung makikita ka lang niya ngayon, matutuwa siya. Pero wala na siya, should move on. You deserve to be happy"

"Tita, there is no such thing as move on, only goes on!" Bawing sagot ni Patrick.

"Tulad ng sinabi niya sakin, mamamatay lang ang isang tao kung walang nakakaalala sa kanya, mananatili siya sa puso ko, buhay siya sa puso ko. Alam ko lagi siya nasa tabi ko, ramdam ko na ngayon na nandito siya hanggang ngayon".

Naantig ang puso ni Lhea sa mga narinig kay Patrick bagama't may lungkot sa mga mata nito. Uminip ang malakas ng hangin na nanunuot ang lamig sa mga buto, wari may ibunulong sa tenga ni Patrick kasabay ng mahinang ambon. Kahit mahina ang hangin, nadama ni Patrick na parang may humalik sa pisngi, katulad ng paghalik ni Lhea sa kanya, sa kaliwang pisngi. Walang masabi si Patrick kundi tumingin sa singsing na galing kay Lhea. Tanging ang upuan sa kanilang tagpuan ang nananatiling piping saksi sa pagmamahalan nila.








Dont go to my grave and weep, again. Dont go to my grave and weep. I didn't die there. The wind blows in thousand miles. Now, i 'll be a wind in the endless world.

Live with nothing or die with something

No comments:

Post a Comment