Friday, June 18, 2010

Drawing

Lagi bang nasa huli ang pagsisisi kapag may mga bagay na mali o hindi natin nagustuhan? Mahirap bang unawain na ang buhay ay "buhay" lamang.? Simpleng salita na may mabigat na kahulugan at dumedepende lamang sa taong nagpapahalaga nito. Walang espesyal na buhay kung hindi mo ito pahahalagahan. Ang papel ay papel lamang, ang lapis ay lapis lamang, may kanya kanyang kakayahan at gamit, ngunit kung gagamitin mo ang lapis para sulatan ang papel, matatawag mo pa bang simpleng papel ang dating walang sulat? KUng may pininta ka sa papel, tatawagin mo na itong "drawing" at kung susulatan mo naman ito. tatawagin mo naman itong "sulat". Ang lapis, ano magagawa ng simpleng papel para sa lapis? Wala diba? Pero kung iisipin ang papel ang nagbibigay ng kulay at kahulugan sa simpleng lapis. Balewala ang papel kung wala ang lapis, magiging simpleng papel lang ang ito panghabang buhay. Kung isisipin, ang bungad ko sa umpisa ay nasa "Lagi bang nasa huli ang pagsisisi kapag may mga bagay na mali o hindi natin nagustuhan?". Nakakalito o nasaan ang gusto ko ipunto matapos ng mga isulat ko. Ito yon, nagsisisi ba ako na matapos ang isulat ko? Nakita ko ba ang mga mali sa mga sinulat ko? ANg sagot ko ay OO. Nagsisisi ako dahil hinayaan ko ang isip ko ang magsulat para sa akin. Hindi ko sumulat ng para sa akin. Gayun pa man, naintindihan ko kung bakit ko nasulat ito. Nakita ko din ang mali ko pagkatapos ko isulat at basahin ng maraming beses ang gawa ko. Susulat at gagawa ulit ako ng ganito at muling magsisisi. Makikita ko ang mga mali ko at matutoto. Sulat at gagawa ulit ako ng ganito at muling magsisisi. Makikita ng iba kung saan ako nagkamali, pero hindi sila magsisisi. Ngunit tatatak sa isip nila kung saan sila nagkamali at pilit na babaguhin ito, kung ang ginawa ko ay patama o para sa kanila. Tao lang tayo, simple tao na may simpleng buhay. KUng ang tao ay mag-iisip para hindi maging simple ang buhay, walang ibang pipigil kundi ang sarili. Hindi pwede ang buhay ang mag-iisip para maging espesyal ang tao. Buhay ay buhay lang, ang tao ay tao lang. Sino ang papel at lapis sa tao at buhay? Isang importante at isang magbibigay kahulugan sa pagiging importansya nito.

No comments:

Post a Comment