Monday, June 7, 2010

Jejemon: Tatak Pinoy

Tulad ng mga bagay sa mundo, ang salita o lenguwahe ay nagbabago din. Patunay lamang na walang permanente dito. Pero kung sa pagbabago ng taon, makikisabay ka ba o lalabanan mo ang agos ng buhay?

Lagi pumapasok sa isip ko na dapat tignan ko ng meaning ng "jejemon" sa google, pero nakakaligtaan ko dahil sa work ko (designing ng magazine). Sa lahat ng mga nakikita, nababasa at naririnig ko, ang jejemon ay gawang pinoy, diskarteng pinoy at utak pinoy. Nakakatuwang isipin nagsimula ang lahat sa cellphone, sa mga taong walang magawa kundi magtext maghapon, (mga bihasa na ang mga taong ito).
Sa simpleng katamaran at mapaglarong isipan, nabuo ang jejemon. Sa katamaran din ng ibang adik sa text, ay madaming character ang nagagamit kumpara sa normal na pagsusulat.
PORMANG JEJEMON
Kadalasan hindi iba ang jejemon sa atin, may mata, may ilong at may katawan. Mapapansin mo lang sila sa pananamit nila:
- ang tinatawag na jejecap na kung iisipin, makapal ba yun buhok nila o may sugat sa ulo kaya hindi maisuot n maayos.
-malaking damit (o jersey na hiniram pero hindi na ibabalik) na galing sa mga kuya o tatay nila
dahil sa sobrang laki. Isipin mo na lang na sila un taong katawan na tinubuan ng ulo, kamay at paa.
-matataas na medyas na animo'y soccer player. minsan may mga bandana sa bibig na nagsisilbing takip (hindi ko alam ang reason kung bakit ganun, siguro astig silang tignan).

TATAK JEJEMON

May mga special signs pa silang ginagamit sign para mapatunay na isa ka talagang jejemon, eto ang jejemon signs


Sample 1
eto ang normal na jejemon.... minsan sa signs ay gagawa ng word (wala ako nakikitang word sa sign nia)
sample 2
mababasa mo ang salitang "LOVE" sa mga signs nila. Sila ang mga emo na nag-evolve bilang jejemon (sa porma emo, sa text at galaw, jejemon)
Sample 3
Super Sign Jejemon: Eto yun mga jejemon na idolo ang maskman bago magtransform. Mapapansin sa bawat signs, mararamdaman mo kung gano nila pinag-aralan un mga signs ng bawat isa.


WIKANG JEJEMON

Aminin natin o hindi, talaga hindi natin kayang intindihin ang paraan ng pagsusulat nila lalo na pag nakarecieve ka ng text galing sa isang jejemon. Kaya madami ang galit na galit. Halos lahat ng letra sa alphabet ay nagagamit nila, pati na mga numbers (parang genius diba!). Napapahanga ako sa kanila dahil sa isang talata, o salita naisasama nila lahat nila yun. Kahit ayaw ko sa kanila minsan kahit papano, nawiwili ako basahin ang mga jejetext lalo na pag wala akong magawa o di kaya naman ay galit na galit ako, para akong bata sa pagbabasa. Pano na lang kaya kung ang pagiging jejemon ay normal lang sa pamumuhay at ang simpleng pagbabasa ay abnormal? Makakasabay kaya tayo?


Kahit san angulo natin tignan, naging parte na sa atin history ang jejemon (sana naging history na lang sila tulad na mga dinosaurs), parang "toma tayo repapips!", "naeebak na ako pre" o kaya naman "San ka na? d2 na me". Kaw jejemon ka ba?

7 comments:

  1. gago ba prang tanga yan

















    i hate that jejemon



















    son of a bitch

    ReplyDelete
  2. kyut ng jejemons but i hate dem...(^_^)

    ReplyDelete
  3. gago kaung mga jejemon sakit nyo sa ulo shit!

    ReplyDelete
  4. Anu Kinder d marunong mag alphabet

    ReplyDelete
  5. j3j3m0n 15 th3 835t . . .

    1m pr0uwd 2 83 0n3 0f th3m . . .

    ( thd43 u7Lt1m4Ht3 1c0n )

    J3 J3 M0N

    4.K.4

    CUT13'H34RTHR08 !

    irr !

    ReplyDelete
  6. Grabe makagenius!,may mga tama ba yan o trip lang

    ReplyDelete